XLOV 1ST EP ALBUM ‘UXLXVE‘
Sa pamamagitan ng kanilang unang mini album na ‘UXLXVE’, nilalayon ng XLOV na muling bigyang-kahulugan ang mga negatibong kaisipan, emosyon, at ang mga nakasanayang pananaw (stereotypes) sa iba't ibang ekspresyong kaugnay nito gamit ang sariling mensahe ng XLOV.
Gamit ang orihinal na salitang “UNLOVE”, ipinagpatuloy nila ang kanilang mapaglarong istilo ng wordplay mula pa noong kanilang debut kung saan ang mga bahaging ‘N’ at ‘O’ ay pinalitan ng ‘X’. Binibigyang-diin nito ang konsepto ng ‘double negative’—katulad ng pagpaparami ng dalawang negatibong numero na nagreresulta sa positibo—upang ipakita ang posibilidad na magbago ang lahat tungo sa positibo. Nais din nilang iparating ang mga mensaheng: ‘Hindi natin kailangang palaging supilin ang ating mga NO’, ‘May karapatan ang mga kaisipan o emosyong dumarating bilang negatibo na maipahayag nang tapat’, at sa huli, kapag nakatagpo ng mga nilalang na may katulad na kaisipan, ‘ang lahat ay maaaring humantong sa pagiging positibo o sa tamang sagot’.
Ang matapang na hamon ng XLOV ay muling malinaw na nakapaloob sa album na ito. Ang iba't ibang kaisipan, na sumasalamin sa puso ng lahat ng nilalang na patuloy na nakikipagbuno sa samu't saring emosyon, ay inilahad sa pamamagitan ng iba't ibang genre at kwento. Ipinakita rito ang paninindigan ng XLOV na huwag limitahan ang kanilang sarili sa iisang genre lamang, at ang kanilang pagkakakilanlan na ‘kalayaan’ ay ipinahayag sa pamamagitan ng iba't ibang istilo at genre ng musika, kasama ang ambisyong ‘tayo mismo, sa ating pagiging totoo, ay nagiging isang genre’. Kasabay nito, sa pamamagitan ng kakaibang produksyon ng lider at producer na si ‘Umuti’, nilalayon ng album na ito na mas mapalapit pa sa publiko at sa kanilang fandom na EVOL.
Ang mga kanta ay pinangungunahan ng main title track na ‘Rizz’, isang Hip-hop R&B track na nakabase sa 808 trap sound; ang sub-title track na ‘Biii:-p’ na pinagsama ang mga elemento ng hyperpop na may matinding bass at malawak na synth; ang ‘Scent’, isang R&B number na may dagdag na sekiswalidad sa ibabaw ng isang malapot at siksik na track; ang ‘Dirty Baby’, na nagpapahayag ng tinig para sa sariling kalayaan sa pamamagitan ng Trap R&B sa ibabaw ng isang sexy at mapangarap na groove; ang ‘kiss and say goodbye’, isang ballad-style na kanta ng XLOV na nagpapahayag ng isang mature na paghihiwalay sa pamamagitan ng mapangarap at magandang tunog at himig ng piano; at ang huling track na ‘Drip Drip’, na nagpapakita ng harmoniya sa pagitan ng masiglang uk garage rhythm drums at ng kalmadong acoustic guitar. Sa mga ito, ang main title at sub-title na ‘Rizz’ at ‘Biii:-p’, pati na ang unang ballad na ‘kiss and say goodbye’, ay nagpapakita ng pangkalahatang harmoniya at artistikong pandama sa pamamagitan ng mga liriko ni Umuti.