- Ang kuwento ng ikaw, ako, at tayo na magkakasama (&) na bumasag sa mga nakasanayang panuntunan upang maging isa
- Ang ikaapat na mini album ng LOONA, [&], na guguhit ng sarili nilang kulay na may dagdag na bagong karisma
Ang LOONA, na mabilis na sumikat bilang '4th generation it-girl', ay maglalabas ng kanilang ikaapat na mini album [&] sa Hunyo 28, 2021. Ang LOONA, na nagpapakita ng mga makukulay na konsepto sa pamamagitan ng mga bagong genre ng musika at maringal na performance sa bawat album, ay nagpakita ng kanilang pandaigdigang impluwensya sa pamamagitan ng iba't ibang overseas charts, kabilang ang pagpasok sa 'Billboard 200' (ang main chart ng Billboard), pagiging No. 1 sa album chart ng iTunes sa 51 bansa, at ang pagiging unang K-pop girl group na nakapasok sa North American radio chart sa loob ng 9 na sunod-sunod na linggo. Matapos ang kapansin-pansing tagumpay ng kanilang ikalawang mini album [#] at ikatlong mini album [12:00] noong nakaraang taon, inaasahan kung anong bagong rekord ang isusulat nila ngayon, gaya ng kanilang bansag na 'record girls'.
Ang [&] ng LOONA ay naglalaman ng kuwento kung paano ang LOONA, na nakamit ang mas malaking pagbabago lampas sa mga hangganan, ay magkakasama (&) na ikaw, ako, at tayo upang basagin ang mga nakasanayang panuntunan at maging isa.
Kasama ang title track na 'PTT (Paint The Town)', ang album ay may kabuuang 7 track kabilang ang intro song na '&', 'WOW', 'Be Honest', 'Dance On My Own', 'A Different Night', at 'U R'. Ito ay isang album kung saan nakalap ang lahat ng karisma ng LOONA, katulad ng iba't ibang genre nito.
"We're about to paint the town"
Ang title track na 'PTT (Paint The Town)' ay isang dance hip-hop genre na naglalaman ng eksplosibong enerhiya ng LOONA, at isang kanta kung saan pinagsama-sama ang lahat ng mahahalagang elemento ng mga kanta sa Bollywood.
Higit sa lahat, ang kantang ito ay ganap na gumuguhit sa worldview ng LOONA na magbubukas sa pamamagitan ng [&], at naglalaman ng mensahe na hindi sila magpapaikulong sa mga bawal o mag-aalala sa tingin ng iba, kundi magiging independyente sa pagtatatag at muling pagbubuo ng kanilang sarili upang 'Paint The Town' gamit ang kanilang sariling kulay.