Upang hindi malimutan kung sino at ano siya,
At para sa mga taong naghintay,
Para sa lahat ng mga taong nag-iisip kasama nila,
Para sa isang bagong hakbang.
1. TRUTH
Composed by Def., iHwak, HRDR, LEON(딥상어)
Lyrics by Def., LEON(딥상어), iHwak
Arranged by HRDR
Isang pop-based track na gumagamit ng mga wittyn na liriko upang ilarawan ang mga yugto ng panliligaw kung saan kinikilala nila ang damdamin ng isa't isa sa isang mapaglaro o mapanuksong paraan. Bukod sa mga liriko, ang mga track point sa gitna ng chorus ay isa ring kaakit-akit na bahagi ng kanta. (JAY B)
2. Drive Me To The Moon
Composed by Ars, BOYTOY(Blatinum), Disko(Blatinum), Brite Ma, ADN Lewis
Lyrics by Ars, 김혜수
Arranged by Ars, BOYTOY(Blatinum), Disko(Blatinum)
Isang kanta na nagpapahayag ng damdamin ng GOT7 na kaya nilang gawin ang kahit ano basta't kasama nila ang I GOT 7 (Ahgase).
Sana ay mapakinggan ito ng mga fans nang may kagaanan ng loob. (Youngjae)
3. NANANA
Composed by Def. , iHwak, Royal Dive
Lyrics by Def., iHwak
Arranged by Royal Dive
Ang title track na ito ay kinatatangian ng pop sound at guitar loop na nagbibigay-diin sa maliwanag at chill na vibe na tanging sa GOT7 lang makikita.
Naglalaman ito ng hangarin ng GOT7 na magregalo ng isang kanta na makapagbibigay ng ngiti sa publiko at sa I GOT 7 (Ahgase) na matagal na naghintay sa pagbabalik ng buong grupo ng GOT7. (JAY B)
4. Two
Composed by Yugyeom, Distract, dr.ahn
Lyrics by Yugyeom, Distract
Arranged by dr.ahn
Isang kanta na naglalaman ng masakit na damdamin ng pagsubok na pilit na kalimutan ang isang bagay na hindi kayang kalimutan.
Kabaligtaran ng liriko, ang kanta ay may kaakit-akit na malakas na snare at bass, pati na rin ang mid-to-low range na boses at ritmo, kaya maaari itong pakinggan habang ine-enjoy ang kakaibang charm nito. (Yugyeom)
5. Don’t Care About Me
Composed by Distract, Jinyoung, Yugyeom, Ludwig Lindell
Lyrics by Jinyoung, Yugyeom
Arranged by Ludwig Lindell
Isang kanta na ginawa upang ipakita sa I GOT 7 (Ahgase) ang katiyakan at pananalig ng GOT7 sa landas na kanilang tinahak.
Naglalaman ito ng mensahe ng GOT7 na kaya nilang lakarin ang anumang landas basta't kasama ang kanilang mga fans. (Jinyoung)
6. Don’t Leave Me Alone
Composed by Def., iHwak, Royal Dive
Lyrics by Def., iHwak
Arranged by Royal Dive
Isang pop R&B track kung saan ang liriko at ang madamdamin ngunit matapang na melodiya ay nakakaakit, kasama ang liriko ng gitara at mainit na tunog ng drums.
Isang kanta na nagpapahayag ng hiling na huwag kalimutan ang GOT7 kahit na pansamantalang huminto ang kanilang mga aktibidad. (JAY B)